Kapatawaran
Bago ang Kumpisal
Ama, malapit ko na pong ipagtapat ang aking mga kasalanan at natatakot ako sa aking sasabihin. Ipaalala Ninyo na naghihintay Kayo nang bukás ang mga bisig, hindi nakaturo ang daliri. Bigyan Ninyo ako ng katapatan sa pagsasalita at masayang puso sa pag-alis na pinatawad.
“Kung gaano kalayo ang silangan mula sa kanluran, ganoon kalayo niya inalis mula sa atin ang ating mga kasalanan.”
Mga Awit 103:12