Pananampalataya
Bago ang Pagsusulit
Ama, nag-aral at nanalangin na po ako, at ngayon ay haharapin ko na ang pagsusulit. Payapain Ninyo ang aking kaba at liwanagin ang aking isip. Anuman ang kalabasan, ipaalala Ninyo sa akin na hindi sinusukat ng marka ang aking halaga.
“Ipagkatiwala mo ang iyong mga gawain kay Yahweh at magtatagumpay ang mga balak mo.”
Mga Kawikaan 16:3