Proteksyon
Pag-aalaga sa May Sakit sa Bahay
Ama, pumasok po ang sakit sa aming tahanan at kami ay nag-aalala. Ingatan Ninyo ang mga hindi pa nagkakasakit at bigyan ng lakas ang mga may sakit. Protektahan ang nag-aalaga sa kanila, at palibutan kaming lahat ng paggaling at pag-asa.
“…at ang panalangin ng may pananampalataya ang magpapagaling sa taong may sakit, at ang Panginoon ang magtataas sa kaniya. Kung nakagawa siya ng kasalanan, patatawarin siya ng Diyos.”
Santiago 5:15