Paghilom
Pagdadalamhati sa Nawalang Sanggol
Maamong Ama, nawalan kami ng anak na sinimulan na naming mahalin. Yakapin po ninyo kami sa aming dalamhati, payapain ang mga tanong na gumigising sa amin, at kalungin ang munting ito sa inyong mga bisig.
“Gaya ng pag-aaliw ng isang ina sa kanyang anak, gayun din aaliwin ko kayo, at kayo ay aaliwin sa Jerusalem.”
Isaias 66:13