Patnubay
Paghanap sa Aking Tungkulin
Panginoon, nilikha Mo ako na may mga kaloob na halos hindi ko napapansin. Ipakita Mo kung saan ko ito magagamit sa paglilingkod sa kapwa. Malaki man o lihim ang aking tungkulin, tulungan Mo akong tumugon dito nang tapat araw-araw.
“Sapagkat tayo ay ginawa ng Diyos, nilikha kay Cristo Jesus upang gumawa ng mga mabubuting gawa. Ito ang mga gawa na matagal ng binalak ng Diyos para sa atin, upang makalakad tayo sa mga ito.”
Mga taga-Efeso 2:10