Pag-ibig
Para sa Aming Pagpapakasal
Ama, nagpaplano kaming magsama habambuhay. Gawin po ninyong taos ang aming mga pangako, nakasalig sa pananampalataya ang aming tahanan, at lumakas ang aming pag-ibig upang kayanin ang bawat panahon.
“Ang isang taong nag-iisa ay maaaring madaig, ngunit maaring mapagtagumpayan ng dalawa ang isang pagsalakay, at ang isang tatlong ikit na lubid ay hindi agad malalagot.”
Ang Mangangaral 4:12