Gabi
Para sa Mga Nagtatrabaho sa Gabi
Panginoon, habang nagpapahinga ako, marami ang nagtatrabaho buong magdamag: mga nars, gwardya, drayber, at mga empleyado ng call center. Panatilihin Mo silang alisto at ligtas. Bigyan Mo sila ng lakas, at iuwi Mo sila upang makapagpahinga.
“Halikayo, pagpalain si Yawheh, lahat kayong mga lingkod ni Yahweh, kayong mga naglilingkod sa tahanan ni Yahweh tuwing gabi.”
Mga Awit 134:1