Pasasalamat
Pusong Punung-puno ng Pasasalamat
Luwalhati sa Iyo, Diyos ng lahat ng kabutihan, sapagkat higit sa sukat ang kabaitan Mo sa akin. Maliit ang aking mga salita, ngunit punung-puno ang aking puso. Tanggapin Mo ang aking pasasalamat at gawin Mong pasasalamat sa Iyo ang aking buhay.
“Magpasalamat kay Yahweh, dahil sa kaniyang kabutihan at ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman.”
Mga Awit 107:1