Pasasalamat
Salamat sa Aking Hanapbuhay
Ama, salamat po sa trabahong nagbibigay ng aming pang-araw-araw na pangangailangan. Kahit sa mga pagod na araw, biyaya pa ring makapagtrabaho. Pagpalain Mo ang aking pinagtatrabahuhan, mga kasamahan, at ang lahat ng naghahanap ng trabaho ngayong araw.
“Anuman ang inyong ginagawa, gumawa kayo mula sa kaluluwa na para sa Panginoon at hindi para sa mga tao.”
Mga Taga-Colosas 3:23