Pasasalamat
Papuri sa Nilikha
Diyos na Maylalang, salamat po sa mga bundok, dagat, at malawak na langit ng Pilipinas. Ang bawat pagsikat ng araw at bawat patak ng ulan ay sinulat ng Iyong kamay. Gawin Mo akong tapat na tagapangalaga ng Iyong nilikha.
“Ang kalangitan ay nagpapahayag ng kaluwalhatian ng Diyos, at ipinapaalam ng himpapawid ang ginawa ng kaniyang kamay!”
Mga Awit 19:1